ٱلْقَارِعَةُ ﴿١﴾
Ang oras na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito
Pabalat›Tafsir›Al-Qaari'a (101)
Makkiyyah · 11 talata
ٱلْقَارِعَةُ ﴿١﴾
Ang oras na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito
مَا ٱلْقَارِعَةُ ﴿٢﴾
Ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito?
وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا ٱلْقَارِعَةُ ﴿٣﴾
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang oras na ito na kakalampag sa mga puso ng mga tao dahil sa kasukdulan ng hilakbot dito? Tunay na ito ay ang Araw ng Pagbangon
يَوْمَ يَكُونُ ٱلنَّاسُ كَٱلْفَرَاشِ ٱلْمَبْثُوثِ ﴿٤﴾
Sa Araw na kakalampagin ang mga puso ng mga tao, sila ay magiging para bang mga gamugamong kumakalat na naglilipana dito at doon,
وَتَكُونُ ٱلْجِبَالُ كَٱلْعِهْنِ ٱلْمَنفُوشِ ﴿٥﴾
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang hinimaymay sa kagaanan ng pag- usad ng mga ito at paggalaw ng mga ito. فأم امن ثقلت موزينه
فَأَمَّا مَن ثَقُلَتْ مَوَٰزِينُهُۥ ﴿٦﴾
Kaya tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang maayos higit sa mga gawa niyang masagwa, بلغ Qur’an · Tafsir فهو فى عيشة ر اضية
فَهُوَ فِى عِيشَةٍۢ رَّاضِيَةٍۢ ﴿٧﴾
siya ay nasa isang pamumuhay na kinalulugdan, na matatamo niya ito sa Paraiso. وأم امن خف ت موزينه
وَأَمَّا مَنْ خَفَّتْ مَوَٰزِينُهُۥ ﴿٨﴾
Tungkol naman sa sinumang tumimbang ang mga gawa niyang masagwa higit sa mga gawa niyang maayos, فأ م ه هاو ية
فَأُمُّهُۥ هَاوِيَةٌۭ ﴿٩﴾
ang tirahan niya at pagtitigilan niya sa Araw ng Pagbangon ay Impiyerno
وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا هِيَهْ ﴿١٠﴾
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano iyon? نار حامية
نَارٌ حَامِيَةٌۢ ﴿١١﴾
Iyon ay isang Apoy na matindi ang init. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro