PabalatTafsirAl-Balad (90)

Tafsir Al-Balad (90) — البلد

Makkiyyah · 20 talata

Basahin · PakingganFile na PDF

لَآ أُقْسِمُ بِهَـٰذَا ٱلْبَلَدِ ﴿١﴾

Sumusumpa si Allāh sa bayang pinakababanal na siyang Makkah Mukarramah

وَأَنتَ حِلٌّۢ بِهَـٰذَا ٱلْبَلَدِ ﴿٢﴾

habang ikaw, O Sugo, ay pinahihintulutan sa anumang gagawin mo rito gaya ng pagpatay sa sinumang naging karapat-dapat sa pagpatay at pagbihag sa sinumang naging karapat-dapat sa pagbihag. ووالد وما ولد

وَوَالِدٍۢ وَمَا وَلَدَ ﴿٣﴾

Sumumpa si Allāh sa nag-anak sa sangkatauhan at sumumpa Siya sa isinupling mula rito na anak

لَقَدْ خَلَقْنَا ٱلْإِنسَـٰنَ فِى كَبَدٍ ﴿٤﴾

Talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapagod at isang paghihirap dahil sa ipinagdurusa niya na mga kasawiangpalad sa Mundo. أ يحسب أن لن يقدر عليه أحد

أَيَحْسَبُ أَن لَّن يَقْدِرَ عَلَيْهِ أَحَدٌۭ ﴿٥﴾

Nagpapalagay ba ang tao na siya, kapag nakagawa siya ng mga pagsuway, ay walang makakakaya sa kanya na isa man at walang maghihiganti sa kanya, kahit pa man ang Panginoon niya ang lumikha sa kanya? يقول أهلكت مالا لبدا

يَقُولُ أَهْلَكْتُ مَالًۭا لُّبَدًا ﴿٦﴾

Magsasabi siya: "Gumugol ako ng yamang marami, na nagkapatung-patong: ang isang bahagi nito sa ibabaw ng ibang bahagi." بلغ Qur’an · Tafsir أ يحسب أن لم يره أحد

أَيَحْسَبُ أَن لَّمْ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ ﴿٧﴾

Nagpapalagay ba itong nakikipaghambugan ng ginugugol niya na si Allāh ay hindi nakakikita sa kanya at na siya ay hindi tutuusin sa yaman niya kung mula saan niya nakamit ito at kung sa ano niya ginugol ito? ألم نجعل له عينين

أَلَمْ نَجْعَل لَّهُۥ عَيْنَيْنِ ﴿٨﴾

Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata na nakakikita siya sa pamamagitan ng dalawang ito, ولسانا وشفتين

وَلِسَانًۭا وَشَفَتَيْنِ ﴿٩﴾

isang dila, at dalawang labi na nagsasalita siya sa pamamagitan ng dalawang ito?

وَهَدَيْنَـٰهُ ٱلنَّجْدَيْنِ ﴿١٠﴾

Nagpakilala Kami sa kanya sa daan ng kabutihan at daan ng kabulaanan

فَلَا ٱقْتَحَمَ ٱلْعَقَبَةَ ﴿١١﴾

Siya ay hinihiling na lumampas sa matarik nadaan na nagpapahiwalay sa kanya sa Paraiso para makatawid siya nito at makalampas siya rito

وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا ٱلْعَقَبَةُ ﴿١٢﴾

Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang matarik na daan na kailangan niyang tawirin upang pumasok siya sa Paraiso? فك رقبة

فَكُّ رَقَبَةٍ ﴿١٣﴾

Ito ay isang pagpapalaya sa isang alipin, lalaki man o babae, بلغ Qur’an · Tafsir أو إطعم فى يوم ذى مسغبة

أَوْ إِطْعَـٰمٌۭ فِى يَوْمٍۢ ذِى مَسْغَبَةٍۢ ﴿١٤﴾

o na magpakain sa isang araw na may pagkakagutom na dumadalang dito ang pagkakaroon ng pagkain, يتيما ذا مقربة

يَتِيمًۭا ذَا مَقْرَبَةٍ ﴿١٥﴾

sa isang batang nawalan ng ama nito, na sa kanya ay may pagkakaanak أو مسكينا ذا متربة

أَوْ مِسْكِينًۭا ذَا مَتْرَبَةٍۢ ﴿١٦﴾

o sa isang maralitang walang anumang minamay-ari

ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَتَوَاصَوْا۟ بِٱلصَّبْرِ وَتَوَاصَوْا۟ بِٱلْمَرْحَمَةِ ﴿١٧﴾

Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya kay Allāh; nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagtitiis sa mga pagtalima, paglayo sa mga pagsuway, at sa pagsubok; at nagtagubilin sa isa't isa sa kanila ng pagkaawa sa mga lingkod ni Allāh

أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَيْمَنَةِ ﴿١٨﴾

Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga kasamahan ng kanan

وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا هُمْ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَشْـَٔمَةِ ﴿١٩﴾

Ang mga tumangging sumampalataya sa tanda Naming pinababa sa Sugo Namin ay ang mga kasamahan sa kaliwa. عليهم نار م ؤصدة

عَلَيْهِمْ نَارٌۭ مُّؤْصَدَةٌۢ ﴿٢٠﴾

Sa ibabaw nila ay may apoy na nakasara sa Araw ng Pagbangon, na pagdurusahin sila roon. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim

Matuto · Al-Balad — البلد

Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro

Tafsir · 31 wika