وَٱلشَّمْسِ وَضُحَىٰهَا ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa araw at sumumpa Siya sa oras ng pag-angat nito matapos ng pagsikat nito sa silangan nito
Pabalat›Tafsir›Ash-Shams (91)
Makkiyyah · 15 talata
وَٱلشَّمْسِ وَضُحَىٰهَا ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa araw at sumumpa Siya sa oras ng pag-angat nito matapos ng pagsikat nito sa silangan nito
وَٱلْقَمَرِ إِذَا تَلَىٰهَا ﴿٢﴾
Sumumpa Siya sa buwan kapag sumunod ito sa bakas niyon matapos ng paglubog niyon
وَٱلنَّهَارِ إِذَا جَلَّىٰهَا ﴿٣﴾
Sumumpa Siya sa maghapon kapag naglantad ito ng nasa balat ng lupa dahil sa tanglaw niyon
وَٱلَّيْلِ إِذَا يَغْشَىٰهَا ﴿٤﴾
Sumumpa Siya sa gabi kapag bumalot ito sa balat ng lupa para iyon ay naging madilim
وَٱلسَّمَآءِ وَمَا بَنَىٰهَا ﴿٥﴾
Sumumpa Siya sa langit at sumumpa Siya sa pinahusay na pagpapatayo nito
وَٱلْأَرْضِ وَمَا طَحَىٰهَا ﴿٦﴾
Sumumpa Siya sa lupa at sumumpa Siya sa paglatag nito upang manirahan ang mga tao sa ibabaw nito. بلغ Qur’an · Tafsir ونفس وما سو ها
وَنَفْسٍۢ وَمَا سَوَّىٰهَا ﴿٧﴾
Sumumpa si Allāh sa bawat kaluluwa at sumumpa Siya sa pagkakalikha Niya rito na nahubog. فأ لهمها فجورها وتقوها
فَأَلْهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقْوَىٰهَا ﴿٨﴾
Saka nagpatalos Siya rito nang walang pagtuturo kung ano ang kasamaan upang umiwas roon at kung ano ang kabutihan upang gumawa niyon. قد أفلح من زك ىها
قَدْ أَفْلَحَ مَن زَكَّىٰهَا ﴿٩﴾
Nagtamo nga ng hinihiling niya ang sinumang nagdalisay ng sarili niya sa pamamagitan ng paggagayak dito ng mga mabuting asal at ng paghuhubad dito ng mga masamang asal. وقد خاب من دس ىها
وَقَدْ خَابَ مَن دَسَّىٰهَا ﴿١٠﴾
Nalugi nga ang sinumang naglibing ng sarili nito habang nagkukubli nito sa mga pagsuway at mga kasalanan
كَذَّبَتْ ثَمُودُ بِطَغْوَىٰهَآ ﴿١١﴾
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa propeta nitong si Ṣāliḥ dahilan sa paglampas nito sa hangganan sa paggawa ng mga pagsuway at paggawa ng mga kasalanan
إِذِ ٱنۢبَعَثَ أَشْقَىٰهَا ﴿١٢﴾
nang tumindig ang pinakamalumbay nito matapos ng pagpapakatawan ng mga kalipi niya sa kanya. بلغ Qur’an · Tafsir
فَقَالَ لَهُمْ رَسُولُ ٱللَّهِ نَاقَةَ ٱللَّهِ وَسُقْيَـٰهَا ﴿١٣﴾
Kaya nagsabi sa kanila ang sugo ni Allāh na si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Hayaan ninyo ang dumalagang kamelyo ni Allāh at ang pag-inom nito sa araw nito kaya huwag kayong makialam dito nang may kasagwaan." فكذ بوه فعقروها فدمدم عليهم رب هم بذنبهم فسو ها
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمْدَمَ عَلَيْهِمْ رَبُّهُم بِذَنۢبِهِمْ فَسَوَّىٰهَا ﴿١٤﴾
Ngunit nagpasinungaling sila sa sugo nila sa pumapatungkol sa dumalagang kamelyo saka pinatay ito ng pinakamalumbay sa kanila kalakip ng pagkalugod nila sa ginawa nito kaya sila ay naging mga katambal sa kasalanan. Kaya nagtaklob si Allāh sa kanila ng parusa Niya saka nagpahamak Siya sa kanila sa pamamagitan ng hiyaw dahilan sa mga pagkakasala nila. Pinagpantay-pantay Niya sila sa kaparusahan na ipinampahamak Niya sa kanila. ولا يخاف عقبها
وَلَا يَخَافُ عُقْبَـٰهَا ﴿١٥﴾
Gumawa si Allāh sa kanila ng parusa na nagpahamak sa kanila nang hindi nangangamba – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga kahihinatnan nito. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro