وَٱلَّيْلِ إِذَا يَغْشَىٰ ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag nagtatakip ito sa nasa pagitan ng langit at lupa ng kadiliman nito
Pabalat›Tafsir›Al-Lail (92)
Makkiyyah · 21 talata
وَٱلَّيْلِ إِذَا يَغْشَىٰ ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag nagtatakip ito sa nasa pagitan ng langit at lupa ng kadiliman nito
وَٱلنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ ﴿٢﴾
Sumumpa Siya sa maghapon kapag nagpakalantad ito at lumitaw ito
وَمَا خَلَقَ ٱلذَّكَرَ وَٱلْأُنثَىٰٓ ﴿٣﴾
Sumumpa Siya sa pagkalikha Niya sa dalawang kasarian: ang lalaki at ang babae. إن سعيكم لشت
إِنَّ سَعْيَكُمْ لَشَتَّىٰ ﴿٤﴾
Tunay na ang gawain ninyo, O mga tao, ay talagang nagkakaiba-iba sapagkat kabilang dito ang mga magandang gawa, na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Hardin, at ang mga masagwang gawa na siyang kadahilanan ng pagpasok sa Apoy
فَأَمَّا مَنْ أَعْطَىٰ وَٱتَّقَىٰ ﴿٥﴾
Kaya tungkol naman sa sinumang nagbigay ng inoobliga sa kanya na ipagkaloob niya na zakāh, panggugol, at panakip-sala, at nangilag sa sinaway ni Allāh sa kanya,
وَصَدَّقَ بِٱلْحُسْنَىٰ ﴿٦﴾
at nagpatotoo sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit; فسنيسره لليسر
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلْيُسْرَىٰ ﴿٧﴾
magpapagaan Kami sa kanya ng gawang maayos at paggugol sa landas ni Allāh
وَأَمَّا مَنۢ بَخِلَ وَٱسْتَغْنَىٰ ﴿٨﴾
Tungkol naman sa sinumang nagmaramot ng yaman niya kaya hindi nagkaloob nito sa anumang بلغ Qur’an · Tafsir kinakailangan sa kanya ang pagkakaloob nito at nag-akalang makapagsasarili sa pamamagitan ng yaman niya palayo kay Allāh kaya hindi humihingi kay Allāh mula sa kabutihang-loob Niya ng anuman,
وَكَذَّبَ بِٱلْحُسْنَىٰ ﴿٩﴾
at nagpasinungaling sa ipinangako sa kanya ni Allāh na kapalit at gantimpala sa paggugol niya ng yaman niya sa landas ni Allāh; فسنيسره للعسر
فَسَنُيَسِّرُهُۥ لِلْعُسْرَىٰ ﴿١٠﴾
magpapagaan Kami sa kanya sa paggawa ng kasamaan at magpapahirap Kami sa kanya sa paggawa ng kabutihan
وَمَا يُغْنِى عَنْهُ مَالُهُۥٓ إِذَا تَرَدَّىٰٓ ﴿١١﴾
Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya na nagmaramot siya nito kapag napahamak siya at pumasok sa Apoy? إن علينا للهد
إِنَّ عَلَيْنَا لَلْهُدَىٰ ﴿١٢﴾
Tunay na nasa Amin na maglinaw Kami ng daan ng katotohanan mula sa kabulaanan
وَإِنَّ لَنَا لَلْـَٔاخِرَةَ وَٱلْأُولَىٰ ﴿١٣﴾
Tunay na sa Amin ay talagang ang buhay na pangkabilang-buhay at ang buhay na pangmundo: gumagawa Kami sa dalawang ito ng niloloob Namin, at hindi iyon ukol sa isang iba pa sa Amin. فأنذرتكم نارا تلظ
فَأَنذَرْتُكُمْ نَارًۭا تَلَظَّىٰ ﴿١٤﴾
Kaya nagbigay-babala Ako sa inyo, O mga tao, laban sa apoy na nagniningas kung kayo ay sumuway sa Akin
لَا يَصْلَىٰهَآ إِلَّا ٱلْأَشْقَى ﴿١٥﴾
Walang magdurusa sa init ng apoy na ito kundi ang pinakamalumbay, ang tagatangging sumampalataya, بلغ Qur’an · Tafsir
ٱلَّذِى كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ﴿١٦﴾
na nagpasinungaling sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at umayaw sa pagsunod sa utos ni Allāh
وَسَيُجَنَّبُهَا ٱلْأَتْقَى ﴿١٧﴾
Palalayuin doon ang pinakatagapangilag magkasala sa mga tao, si Abū Bakr – malugod si Allāh sa kanya,
ٱلَّذِى يُؤْتِى مَالَهُۥ يَتَزَكَّىٰ ﴿١٨﴾
na gumugugol ng yaman niya sa mga uri ng pagpapakabuti upang magpakadalisay mula sa mga pagkakasala
وَمَا لِأَحَدٍ عِندَهُۥ مِن نِّعْمَةٍۢ تُجْزَىٰٓ ﴿١٩﴾
at hindi siya nagkakaloob ng ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya upang tumumbas sa isang biyayang ibiniyaya ng isa sa kanya,
إِلَّا ٱبْتِغَآءَ وَجْهِ رَبِّهِ ٱلْأَعْلَىٰ ﴿٢٠﴾
hindi siya nagnanais sa ipinagkakaloob niya mula sa yaman niya maliban sa [ikalulugod] ng Mukha ng Panginoon niya, ang Nakatataas sa nilikha. ولسوف يرض
وَلَسَوْفَ يَرْضَىٰ ﴿٢١﴾
Talagang malulugod siya sa ibibigay sa kanya ni Allāh na masaganang ganti. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro