قُلْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْكَـٰفِرُونَ ﴿١﴾
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tagatangging sumampalataya kay Allāh,
Pabalat›Tafsir›Al-Kaafiroon (109)
Makkiyyah · 6 talata
قُلْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْكَـٰفِرُونَ ﴿١﴾
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tagatangging sumampalataya kay Allāh,
لَآ أَعْبُدُ مَا تَعْبُدُونَ ﴿٢﴾
hindi ako sumasamba sa kasalukuyan at sa hinaharap sa sinasamba ninyo na mga anito,
وَلَآ أَنتُمْ عَـٰبِدُونَ مَآ أَعْبُدُ ﴿٣﴾
at hindi kayo mga sasamba sa sinasamba ko mismo: si Allāh lamang,
وَلَآ أَنَا۠ عَابِدٌۭ مَّا عَبَدتُّمْ ﴿٤﴾
at hindi ako sasamba sa sinamba ninyo na mga anito,
وَلَآ أَنتُمْ عَـٰبِدُونَ مَآ أَعْبُدُ ﴿٥﴾
at hindi kayo mga sasamba sa sinasamba ko mismo: si Allāh lamang. لكم دينكم ولىدين
لَكُمْ دِينُكُمْ وَلِىَ دِينِ ﴿٦﴾
Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo na pinauso ninyo para sa mga sarili ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko na pinababa ni Allāh sa akin." Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro