وَيْلٌۭ لِّكُلِّ هُمَزَةٍۢ لُّمَزَةٍ ﴿١﴾
Kasaklapan at katindihan ng pagdurusa ay ukol sa madalas ang panlilibak sa mga tao at ang paninirang-puri sa kanila
Pabalat›Tafsir›Al-Humaza (104)
Makkiyyah · 9 talata
وَيْلٌۭ لِّكُلِّ هُمَزَةٍۢ لُّمَزَةٍ ﴿١﴾
Kasaklapan at katindihan ng pagdurusa ay ukol sa madalas ang panlilibak sa mga tao at ang paninirang-puri sa kanila
ٱلَّذِى جَمَعَ مَالًۭا وَعَدَّدَهُۥ ﴿٢﴾
na ang pinahahalagahan niya ay ang pag-iipon ng yaman at pag-isa-isa nito: walang pinahahalagahan para sa kanya na iba pa roon, يحسب أن ماله أخلده
يَحْسَبُ أَنَّ مَالَهُۥٓ أَخْلَدَهُۥ ﴿٣﴾
habang nagpapalagay na ang yaman niya na tinipon niya ay magliligtas sa kanya mula sa kamatayan para mamalagi siyang nananatili sa buhay na pangmundo
كَلَّا ۖ لَيُنۢبَذَنَّ فِى ٱلْحُطَمَةِ ﴿٤﴾
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuniguni ng mangmang na ito. Talagang itatapon nga siya sa Apoy ng Impiyerno na dumudurog at bumabasag sa bawat itatapon doon dahil sa tindi ng lakas niyon
وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا ٱلْحُطَمَةُ ﴿٥﴾
At ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Apoy na ito na magwawasak sa bawat itatapon doon?
نَارُ ٱللَّهِ ٱلْمُوقَدَةُ ﴿٦﴾
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na nagliliyab, بلغ Qur’an · Tafsir
ٱلَّتِى تَطَّلِعُ عَلَى ٱلْأَفْـِٔدَةِ ﴿٧﴾
na tumatagos sa mga katawan ng mga tao patungo sa mga puso nila. إ ن ها عليهم م ؤصدة
إِنَّهَا عَلَيْهِم مُّؤْصَدَةٌۭ ﴿٨﴾
Tunay na ito sa mga pinagdurusa roon ay isasara فى عمد ممد دة
فِى عَمَدٍۢ مُّمَدَّدَةٍۭ ﴿٩﴾
sa mga haliging nabanat na mahaba upang hindi sila makalabas mula roon. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro