وَٱلْمُرْسَلَـٰتِ عُرْفًۭا ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa mga hanging nagsusunuran tulad ng buhok ng kabayo
Pabalat›Tafsir›Al-Mursalaat (77)
Makkiyyah · 50 talata
وَٱلْمُرْسَلَـٰتِ عُرْفًۭا ﴿١﴾
Sumumpa si Allāh sa mga hanging nagsusunuran tulad ng buhok ng kabayo
فَٱلْعَـٰصِفَـٰتِ عَصْفًۭا ﴿٢﴾
Sumumpa Siya sa mga hanging matindi ang ihip
وَٱلنَّـٰشِرَٰتِ نَشْرًۭا ﴿٣﴾
Sumumpa Siya sa mga hanging nagkakalat ng ulan
فَٱلْفَـٰرِقَـٰتِ فَرْقًۭا ﴿٤﴾
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng nagbubukod sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan
فَٱلْمُلْقِيَـٰتِ ذِكْرًا ﴿٥﴾
Sumumpa Siya sa mga anghel na nagbababa ng kasi. عذرا أو نذرا
عُذْرًا أَوْ نُذْرًا ﴿٦﴾
Nagbababa [ang mga anghel] ng kasi bilang pagbibigay-dahilan mula kay Allāh tungo sa mga tao at bilang pagbibigay- babala para sa mga tao laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. إ نما توعدون لوقع
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَوَٰقِعٌۭ ﴿٧﴾
Tunay na ang ipinangangako sa inyo na pagbubuhay, pagtutuos, at pagganti ay talagang magaganap nang walang pasubali
فَإِذَا ٱلنُّجُومُ طُمِسَتْ ﴿٨﴾
Kaya kapag ang mga bituin ay pinawi ang liwanag ng mga ito at naalis ang tanglaw ng mga ito,
وَإِذَا ٱلسَّمَآءُ فُرِجَتْ ﴿٩﴾
kapag ang langit ay nabitak upang magbabaan ang mga anghel mula roon, بلغ Qur’an · Tafsir
وَإِذَا ٱلْجِبَالُ نُسِفَتْ ﴿١٠﴾
kapag ang mga bundok ay nabunot sa kinalalagyan ng mga ito saka dinurug-durog hanggang sa maging alikabok,
وَإِذَا ٱلرُّسُلُ أُقِّتَتْ ﴿١١﴾
at kapag ang mga sugo ay tinipon para sa isang oras na tinakdaan, لأى يوم أجلت
لِأَىِّ يَوْمٍ أُجِّلَتْ ﴿١٢﴾
para sa araw na dakila inantala sila para sa pagsaksi sa mga kalipunan nila?
لِيَوْمِ ٱلْفَصْلِ ﴿١٣﴾
Para sa Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga lingkod para luminaw ang nagtotoo sa nagbulaan at ang maligaya sa malumbay
وَمَآ أَدْرَىٰكَ مَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ ﴿١٤﴾
Ano ang nagpaalam sa iyo, O Sugo, kung ano ang Araw ng Pagpapasya? ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿١٥﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh!
أَلَمْ نُهْلِكِ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿١٦﴾
Hindi ba Kami nagpahamak sa mga kalipunang nauna noong tumangging sumampalataya ang mga ito kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo ng mga ito?
ثُمَّ نُتْبِعُهُمُ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿١٧﴾
Pagkatapos nagpasunod Kami sa kanila ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga nahuli para magpahamak Kami sa mga ito kung paanong nagpahamak Kami sa kanila
كَذَٰلِكَ نَفْعَلُ بِٱلْمُجْرِمِينَ ﴿١٨﴾
Tulad ng pagpapahamak sa mga kalipunang iyon, nagpapahamak Kami sa mga salarin na mga tagapagpasinungaling sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. بلغ Qur’an · Tafsir ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿١٩﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa banta ni Allāh ng parusa para sa mga salarin!
أَلَمْ نَخْلُقكُّم مِّن مَّآءٍۢ مَّهِينٍۢ ﴿٢٠﴾
Hindi ba Kami lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa likidong kadusta-dusta na kaunti – ang patak [ng punlay], فجعلنه فى قرار م كين
فَجَعَلْنَـٰهُ فِى قَرَارٍۢ مَّكِينٍ ﴿٢١﴾
saka naglagay Kami ng likidong hamak na iyon sa isang lugar na pinangangalagaan, ang sinapupunan ng babae, إ لى قدر م علوم
إِلَىٰ قَدَرٍۢ مَّعْلُومٍۢ ﴿٢٢﴾
hanggang sa isang yugtong nalalaman, ang yugto ng pagbubuntis?
فَقَدَرْنَا فَنِعْمَ ٱلْقَـٰدِرُونَ ﴿٢٣﴾
Saka nagtakda Kami ng katangian ng ipanganganak, kahalagahan nito, kulay nito, at iba pa roon; saka kay inam Kami, ang Tagapagtakda para roon sa kabuuan niyon! ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٢٤﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa kakayahan ni Allāh!
أَلَمْ نَجْعَلِ ٱلْأَرْضَ كِفَاتًا ﴿٢٥﴾
Hindi ba Kami gumawa sa lupa na nag-iipon sa mga tao sa kalahatan?
أَحْيَآءًۭ وَأَمْوَٰتًۭا ﴿٢٦﴾
Nag-iipon ito ng mga buhay nila sa pamamagitan ng pagtahan sa ibabaw nito at paglinang nito at ng mga patay nila sa pamamagitan ng paglilibing dito
وَجَعَلْنَا فِيهَا رَوَٰسِىَ شَـٰمِخَـٰتٍۢ وَأَسْقَيْنَـٰكُم مَّآءًۭ فُرَاتًۭا ﴿٢٧﴾
Naglagay Kami rito ng mga bundok na matatatag na pumipigil dito sa pagkaalog, na matataas; at nagpainom Kami sa inyo, O mga tao, ng isang tubig tabang. Kaya ang lumikha niyon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbuhay sa inyo. بلغ Qur’an · Tafsir ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٢٨﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga biyaya ni Allāh sa kanila!
ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ مَا كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ﴿٢٩﴾
Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng mga sugo nila: "Maglakbay kayo, O mga tagapagpasinungaling, tungo sa dati ninyong pinasisinungalingan na pagdurusa
ٱنطَلِقُوٓا۟ إِلَىٰ ظِلٍّۢ ذِى ثَلَـٰثِ شُعَبٍۢ ﴿٣٠﴾
Maglakbay kayo tungo sa aninong mula sa usok ng Impiyerno na nagkabaha-bahagi sa tatlong bahagi
لَّا ظَلِيلٍۢ وَلَا يُغْنِى مِنَ ٱللَّهَبِ ﴿٣١﴾
Wala roong lamig ng mga lilim at hindi makapipigil sa liyab ng Apoy at init nito na manuot sa inyo."
إِنَّهَا تَرْمِى بِشَرَرٍۢ كَٱلْقَصْرِ ﴿٣٢﴾
Tunay na ang Apoy ay bumabato ng mga alipato na ang bawat alipato ay tulad ng palasyo sa laki nito. كأنه جملت صفر
كَأَنَّهُۥ جِمَـٰلَتٌۭ صُفْرٌۭ ﴿٣٣﴾
Para bang ang mga alipatong ibinabato, sa kaitiman ng mga ito at laki ng mga ito, ay mga kamelyong itim. ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٣٤﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusang dulot ni Allāh! هذا يوم لا ينطقون
هَـٰذَا يَوْمُ لَا يَنطِقُونَ ﴿٣٥﴾
Ito ay Araw na hindi sila magsasalita roon ng anuman. ولا يؤذن لهم فيعتذرون
وَلَا يُؤْذَنُ لَهُمْ فَيَعْتَذِرُونَ ﴿٣٦﴾
Hindi magpapahintulot sa kanila na magdahi-dahilan sila sa Panginoon nila sa kawalang-pananampalataya nila at mga masagwang gawa nila para magdahi-dahilan sila sa Kanya. بلغ Qur’an · Tafsir ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٣٧﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa mga ulat ng Araw na ito!
هَـٰذَا يَوْمُ ٱلْفَصْلِ ۖ جَمَعْنَـٰكُمْ وَٱلْأَوَّلِينَ ﴿٣٨﴾
Ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga nilikha; magtitipon Kami sa inyo at sa mga kalipunang nauna sa nag- iisang larangan. فإن كان لكم كيد فكيدون
فَإِن كَانَ لَكُمْ كَيْدٌۭ فَكِيدُونِ ﴿٣٩﴾
Kaya kung nagkaroon kayo ng isang panlalansi na ipanlalansi ninyo para makaligtas sa pagdurusang dulot Ko ay manlansi kayo laban sa Akin. ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٠﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa Araw ng Pagpapasya!
إِنَّ ٱلْمُتَّقِينَ فِى ظِلَـٰلٍۢ وَعُيُونٍۢ ﴿٤١﴾
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga lilim ng mga malabay na punong-kahoy ng Paraiso at mga bukal ng tubig tabang na dumadaloy, وفوكه مما يشتهون
وَفَوَٰكِهَ مِمَّا يَشْتَهُونَ ﴿٤٢﴾
at mga prutas mula sa anumang ninanasa nilang kainin
كُلُوا۟ وَٱشْرَبُوا۟ هَنِيٓـًٔۢا بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ ﴿٤٣﴾
Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at uminom kayo ng inumang kaiga-igaya na walang panligalig dito, dahil sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos."
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿٤٤﴾
Tunay na Kami, tulad ng ganting ito na ipinangganti Namin sa inyo, ay gaganti sa mga tagagawa ng maganda sa mga gawain nila. بلغ Qur’an · Tafsir ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٥﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa inihanda ni Allāh para sa mga tagapangilag magkasala! كلوا وتمتعوا قليلا إ نكم م جرمون
كُلُوا۟ وَتَمَتَّعُوا۟ قَلِيلًا إِنَّكُم مُّجْرِمُونَ ﴿٤٦﴾
Sasabihin sa mga tagapagpasinungaling: "Kumain kayo at magtamasa kayo ng mga minamasarap ng buhay sa kaunting panahon sa Mundo; tunay na kayo, dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo Niya, ay mga salarin." ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٧﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa pagganti sa kanila sa Araw ng Paggantimpala!
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱرْكَعُوا۟ لَا يَرْكَعُونَ ﴿٤٨﴾
Kapag sinabi sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Magdasal kayo kay Allāh," hindi sila nagdarasal sa Kanya. ويل يومئذ للمكذبين
وَيْلٌۭ يَوْمَئِذٍۢ لِّلْمُكَذِّبِينَ ﴿٤٩﴾
Kapahamakan, pagdurusa, at pagkalugi sa Araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling na nagpapasinungaling sa inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh! فبأى حديث بعده يؤمنون
فَبِأَىِّ حَدِيثٍۭ بَعْدَهُۥ يُؤْمِنُونَ ﴿٥٠﴾
Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito na pinababa mula sa Panginoon nila, sa aling pag-uusap na iba pa rito sasampalataya sila? Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim
Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro