PabalatTafsirAl-Waaqia (56)

Tafsir Al-Waaqia (56) — الواقعة

Makkiyyah · 96 talata

Basahin · PakingganFile na PDF

إِذَا وَقَعَتِ ٱلْوَاقِعَةُ ﴿١﴾

Kapag sumapit ang Pagbangon [ng mga patay] nang walang pasubali, ليس لوقعتها كاذبة

لَيْسَ لِوَقْعَتِهَا كَاذِبَةٌ ﴿٢﴾

hindi makatatagpo ng isang kaluluwang magpapasinungaling dito kung paanong ito dati ay pinasisinungalingan sa Mundo. خافضة ر افعة

خَافِضَةٌۭ رَّافِعَةٌ ﴿٣﴾

Magbaba [ito] ng mga tagatangging sumampalataya na mga masamang-loob sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Apoy, mag-aangat ng mga mananampalataya na mga tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Hardin. ج

إِذَا رُجَّتِ ٱلْأَرْضُ رَجًّۭا ﴿٤﴾

Kapag pinakilos ang lupa sa isang pagpapakilosسna mabigat

وَبُسَّتِ ٱلْجِبَالُ بَسًّۭا ﴿٥﴾

at nilansag ang mga bundok sa isang paglansag,ث

فَكَانَتْ هَبَآءًۭ مُّنۢبَثًّۭا ﴿٦﴾

kaya dahil sa paglansag ay magiging alikabok na kumakalat, nang walang pamamalagi sa mga ito. وكنتم أ زوجا ثلثة

وَكُنتُمْ أَزْوَٰجًۭا ثَلَـٰثَةًۭ ﴿٧﴾

Kayo ay magiging tatlong uri sa araw na iyon

فَأَصْحَـٰبُ ٱلْمَيْمَنَةِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَيْمَنَةِ ﴿٨﴾

Kaya ang mga kasamahan sa kanan na kukuha ng mga talaan nila sa pamamagitan ng mga kanang kamay nila, anong taas at anong dakila ang kalagayan nila!

وَأَصْحَـٰبُ ٱلْمَشْـَٔمَةِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْمَشْـَٔمَةِ ﴿٩﴾

Ang mga kasamahan sa kaliwa na kukuha ng mga talaan nila sa pamamagitan ng mga kaliwang kamay nila, anong hamak at anong sagwa ang kalagayan nila! بلغ Qur’an · Tafsir

وَٱلسَّـٰبِقُونَ ٱلسَّـٰبِقُونَ ﴿١٠﴾

Ang mga tagapanguna sa paggawa ng mga kabutihan sa Mundo ay ang mga tagapanguna sa Kabilang-buhay sa pagpasok sa Paraiso

أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلْمُقَرَّبُونَ ﴿١١﴾

Ang mga iyon ay ang mga inilapit sa piling ni Allāh

فِى جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ ﴿١٢﴾

sa mga hardin ng kaginhawahan habang nagpapakaginhawa sa mga uri ng kaginhawahan

ثُلَّةٌۭ مِّنَ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿١٣﴾

Isang pangkat mula sa kalipunang ito at mula sa mga kalipunang nauna

وَقَلِيلٌۭ مِّنَ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿١٤﴾

at kaunti mula sa mga tao sa kahuli-hulihan ng panahon ang kabilang sa mga nangungunang pinalapit [kay Allāh], عل سرر م وضونة

عَلَىٰ سُرُرٍۢ مَّوْضُونَةٍۢ ﴿١٥﴾

sa mga kamang hinabian ng ginto, م تكٔين عليها متقبلين

مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيْهَا مُتَقَـٰبِلِينَ ﴿١٦﴾

na mga nakasandal sa mga kamang ito habang mga naghaharapan ng mga mukha nila, nang hindi tumitingin ang isa sa kanila sa batok ng iba pa sa kanya. يطوف عليهم ولدن م خلدون

يَطُوفُ عَلَيْهِمْ وِلْدَٰنٌۭ مُّخَلَّدُونَ ﴿١٧﴾

May papaligid sa kanila para sa paglilingkod sa kanila na mga batang lalaki na hindi dadapuan ng pag-uulyanin ni pagkalipol. بأ ك واب وأباريق وكأ س من م عين

بِأَكْوَابٍۢ وَأَبَارِيقَ وَكَأْسٍۢ مِّن مَّعِينٍۢ ﴿١٨﴾

Papaligid ang mga ito sa kanila nang may mga inumang walang mga hawakan, mga pitsel na may mga hawakan, at isang kopa ng isang alak na dumadaloy sa paraiso nang hindi natitigil. بلغ Qur’an · Tafsir لا يصد عون عنها ولا ينزفون

لَّا يُصَدَّعُونَ عَنْهَا وَلَا يُنزِفُونَ ﴿١٩﴾

[Ito ay] hindi gaya ng alak sa Mundo sapagkat hindi nasusundan ang tagainom nito ng isang sakit ng ulo ni ng pagkaalis ng pang-unawa. وفكهة مما يتخيرون

وَفَـٰكِهَةٍۢ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ ﴿٢٠﴾

Papaligid sa kanila ang mga batang ito nang may prutas mula sa napipili nila. ولحم طير مما يشتهون

وَلَحْمِ طَيْرٍۢ مِّمَّا يَشْتَهُونَ ﴿٢١﴾

Papaligid ang mga ito nang may karne ng ibon kabilang sa ninanasa ng mga sarili nila. وحور عين

وَحُورٌ عِينٌۭ ﴿٢٢﴾

Ukol sa kanila sa paraiso ay mga babaing malalapad ang mga mata sa karikitan,

كَأَمْثَـٰلِ ٱللُّؤْلُؤِ ٱلْمَكْنُونِ ﴿٢٣﴾

na gaya ng mga tulad ng mga mutyang pinangangalagaan sa mga kabibe ng mga ito

جَزَآءًۢ بِمَا كَانُوا۟ يَعْمَلُونَ ﴿٢٤﴾

[Ito ay] bilang gantimpala para sa kanila dahil sa dati nilang ginagawa na mga gawang maayos sa Mundo. لا يسمعون فيها لغوا ولا تأثيما

لَا يَسْمَعُونَ فِيهَا لَغْوًۭا وَلَا تَأْثِيمًا ﴿٢٥﴾

Hindi sila makaririnig sa paraiso ng isang mahalay na mahalay sa pananalita ni ng nagdudulot sa tao ng isang kasalanan. إلا قيلا سلما سلما

إِلَّا قِيلًۭا سَلَـٰمًۭا سَلَـٰمًۭا ﴿٢٦﴾

Hindi sila makaririnig maliban sa pagbati ng mga anghel sa kanila at pagbati nila sa isa't isa!

وَأَصْحَـٰبُ ٱلْيَمِينِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلْيَمِينِ ﴿٢٧﴾

Ang mga kasamahan ng kanan na bibigyan ng talaan nila sa mga kanang kamay nila ay kay dakila ng kalagayan nila at pumapatungkol sa kanila sa ganang kay Allāh. فى سدر م خضود

فِى سِدْرٍۢ مَّخْضُودٍۢ ﴿٢٨﴾

[Sila ay] nasa mga [puno ng] Sidrah na pinutol ang mga tinik, na walang nakasasakit doon, بلغ Qur’an · Tafsir وطلح م نضود

وَطَلْحٍۢ مَّنضُودٍۢ ﴿٢٩﴾

at mga [punong] saging na nagkatumpuk-tumpok na inihanay ang isa't isa [sa mga bunga], وظل م مدود

وَظِلٍّۢ مَّمْدُودٍۢ ﴿٣٠﴾

at sa lilim na inilatag na nagpapatuloy na hindi naglalaho,

وَمَآءٍۢ مَّسْكُوبٍۢ ﴿٣١﴾

at tubig na umaagos nang hindi humihintu-hinto, وفكهةكثيرة

وَفَـٰكِهَةٍۢ كَثِيرَةٍۢ ﴿٣٢﴾

at prutas na marami na hindi nalilimitahan, ل امقطوعة ولا ممنوعة

لَّا مَقْطُوعَةٍۢ وَلَا مَمْنُوعَةٍۢ ﴿٣٣﴾

hindi napuputol sa kanila magpakailanman sapagkat wala ritong panahon, at walang magbabalakid dito na isang tagahadlang sa alinmang oras na nagnais sila nito, وفرش م رفوعة

وَفُرُشٍۢ مَّرْفُوعَةٍ ﴿٣٤﴾

at sa mga higaan iniangat na nakataas na nakalagay sa mga kama

إِنَّآ أَنشَأْنَـٰهُنَّ إِنشَآءًۭ ﴿٣٥﴾

Tunay na Kami ay nagpaluwal sa mga dilag na nabanggit sa isang pagpapaluwal na hindi nakagawian, فجعلنهن أ بكارا

فَجَعَلْنَـٰهُنَّ أَبْكَارًا ﴿٣٦﴾

saka gumawa Kami sa kanila bilang mga birhen na hindi pa nasasaling, عربا أ ترابا

عُرُبًا أَتْرَابًۭا ﴿٣٧﴾

na mga maibigin sa mga asawa nila, na magkakapantay sa gulang

لِّأَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٣٨﴾

Nagpaluwal Kami sa kanila para sa mga kasamahan sa kanan, na mga kukunin sa gawing kanan bilang palatandaan ng kaligayahan nila. بلغ Qur’an · Tafsir

ثُلَّةٌۭ مِّنَ ٱلْأَوَّلِينَ ﴿٣٩﴾

Sila ay isang pangkat mula sa mga kalipunan ng mga propetang nauna

وَثُلَّةٌۭ مِّنَ ٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿٤٠﴾

at isang pangkat mula sa kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ito ang panghuli sa mga kalipunan

وَأَصْحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصْحَـٰبُ ٱلشِّمَالِ ﴿٤١﴾

Ang mga kasamahan ng kaliwa na bibigyan ng talaan nila sa mga kaliwang kamay nila ay kay sagwa ng lagay nila at hantungan nila. فى سموم وحميم

فِى سَمُومٍۢ وَحَمِيمٍۢ ﴿٤٢﴾

[Sila ay] nasa mga hanging matindi ang init at nasa tubig na matindi ang init, وظل من يحموم

وَظِلٍّۢ مِّن يَحْمُومٍۢ ﴿٤٣﴾

at nasa isang lilim ng usok na pinaitim, لا بارد ولا كريم

لَّا بَارِدٍۢ وَلَا كَرِيمٍ ﴿٤٤﴾

hindi kaaya-aya ang ihip at hindi maganda ang makikita. إن هم كانوا قبل ذلك مترفين

إِنَّهُمْ كَانُوا۟ قَبْلَ ذَٰلِكَ مُتْرَفِينَ ﴿٤٥﴾

Tunay na sila dati bago ng sinapit nila na pagdurusa ay mga nagtatamasa sa Mundo; walang alalahanin para sa kanila kundi ang mga nasa nila

وَكَانُوا۟ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلْحِنثِ ٱلْعَظِيمِ ﴿٤٦﴾

Sila dati ay naggigiit sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagsamba sa mga anito bukod pa sa Kanya. وكانوا يقولون أ ذا متنا وكنا ترابا وعظما أءنا لمبعوثون

وَكَانُوا۟ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتْنَا وَكُنَّا تُرَابًۭا وَعِظَـٰمًا أَءِنَّا لَمَبْعُوثُونَ ﴿٤٧﴾

Sila dati ay nagkakaila sa pagbubuhay saka nagsasabi bilang pangungutya at pagtuturing ng kaimposiblehan niyon: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok, bubuhayin ba Kami matapos niyon,

أَوَءَابَآؤُنَا ٱلْأَوَّلُونَ ﴿٤٨﴾

at bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinauna na namatay bago namin?" بلغ Qur’an · Tafsir

قُلْ إِنَّ ٱلْأَوَّلِينَ وَٱلْـَٔاخِرِينَ ﴿٤٩﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagkailang ito sa pagbubuhay: "Tunay na ang mga sinauna sa mga tao at ang mga nahuli sa kanila لمجموعون إ لى ميقت يوم م علوم

لَمَجْمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَـٰتِ يَوْمٍۢ مَّعْلُومٍۢ ﴿٥٠﴾

ay talagang titipunin sa Araw ng Pagbangon nang walang pasubali para sa pagtutuos at pagganti."

ثُمَّ إِنَّكُمْ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلْمُكَذِّبُونَ ﴿٥١﴾

لٔاكلون من شجر من زقوم

لَـَٔاكِلُونَ مِن شَجَرٍۢ مِّن زَقُّومٍۢ ﴿٥٢﴾

Pagkatapos tunay na kayo, O mga nagpapasinungaling sa pagbubuhay, na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ay talagang mga kakain, sa Araw ng Pagbangon, mula sa mga puno ng Zaqqūm. Ito ay pinakamasama sa mga bunga at pinakakarima-rimarim

فَمَالِـُٔونَ مِنْهَا ٱلْبُطُونَ ﴿٥٣﴾

saka mga magpupuno mula sa mga mapait na punong iyon ng mga tiyan ninyong hungkag,

فَشَـٰرِبُونَ عَلَيْهِ مِنَ ٱلْحَمِيمِ ﴿٥٤﴾

saka mga iinom sa mga ito mula sa tubig na mainit na matindi ang init,

فَشَـٰرِبُونَ شُرْبَ ٱلْهِيمِ ﴿٥٥﴾

saka mga magpaparami sa pag-inom gaya ng pagpaparami ng mga kamelyo sa pag-inom dahilan sa sakit na matinding pagkauhaw!"

هَـٰذَا نُزُلُهُمْ يَوْمَ ٱلدِّينِ ﴿٥٦﴾

Ang nabanggit na ito na pagkaing mapait at tubig na mainit ay ang pagtanggap sa kanila na ipansasalubong sa kanila sa Araw ng Pagganti. نحن خلقنكم فلولا تصدقون

نَحْنُ خَلَقْنَـٰكُمْ فَلَوْلَا تُصَدِّقُونَ ﴿٥٧﴾

Kami ay lumikha sa inyo, O mga tagapagpasinungaling, matapos na kayo dati ay wala, kaya bakit kaya hindi kayo naniwala na Kami ay magbubuhay sa inyo para maging mga buhay matapos ng kamatayan ninyo? بلغ Qur’an · Tafsir أفرءيتم م اتمنون

أَفَرَءَيْتُم مَّا تُمْنُونَ ﴿٥٨﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo, O mga tao, sa inilalabas ninyo na punlay sa mga sinapupunan ng mga maybahay ninyo?

ءَأَنتُمْ تَخْلُقُونَهُۥٓ أَمْ نَحْنُ ٱلْخَـٰلِقُونَ ﴿٥٩﴾

Kayo ba ay lumilikha ng punlay na iyon o Kami ay ang lumilikha niyon?

نَحْنُ قَدَّرْنَا بَيْنَكُمُ ٱلْمَوْتَ وَمَا نَحْنُ بِمَسْبُوقِينَ ﴿٦٠﴾

Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan sapagkat bawat isa sa inyo ay may taning na hindi siya nakauuna rito ni nakahuhuli, at Kami ay hindi nawawalang-kakayahan

عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمْثَـٰلَكُمْ وَنُنشِئَكُمْ فِى مَا لَا تَعْلَمُونَ ﴿٦١﴾

na magpalit Kami ng anumang taglay ninyo na pagkakalikha at pagkakaanyo kabilang sa nalalaman ninyo, at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman na pagkakalikha at pagkakaanyo

وَلَقَدْ عَلِمْتُمُ ٱلنَّشْأَةَ ٱلْأُولَىٰ فَلَوْلَا تَذَكَّرُونَ ﴿٦٢﴾

Talaga ngang nalaman ninyo kung papaano Kaming lumikha sa inyo sa unang pagkakalikha, kaya hindi ba kayo nagsasaalang-alang at nakaaalam na ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo? أفرءيتم م اتحرثون

أَفَرَءَيْتُم مَّا تَحْرُثُونَ ﴿٦٣﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupukol ninyo na binhi sa lupa?

ءَأَنتُمْ تَزْرَعُونَهُۥٓ أَمْ نَحْنُ ٱلزَّٰرِعُونَ ﴿٦٤﴾

Kayo ba ay ang nagpapatubo ng binhing iyon o Kami ay ang nagpapatubo niyon?

لَوْ نَشَآءُ لَجَعَلْنَـٰهُ حُطَـٰمًۭا فَظَلْتُمْ تَفَكَّهُونَ ﴿٦٥﴾

Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tanim na iyon na maging ipa ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa matapos halos na mahinog at gumulang, saka kayo matapos niyon ay magtataka sa tumama roon. إ ن المغرمون

إِنَّا لَمُغْرَمُونَ ﴿٦٦﴾

Magsasabi kayo: "Tunay na kami ay talagang mga pagdurusahin dahil sa pagkalugi sa ginugol Namin; بلغ Qur’an · Tafsir بل نحن محرومون

بَلْ نَحْنُ مَحْرُومُونَ ﴿٦٧﴾

bagkus kami ay mga pinagkaitan ng panustos!"

أَفَرَءَيْتُمُ ٱلْمَآءَ ٱلَّذِى تَشْرَبُونَ ﴿٦٨﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na umiinom kayo mula rito kapag nauhaw kayo?

ءَأَنتُمْ أَنزَلْتُمُوهُ مِنَ ٱلْمُزْنِ أَمْ نَحْنُ ٱلْمُنزِلُونَ ﴿٦٩﴾

Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap sa langit, o Kami ay ang nagpababa niyon?

لَوْ نَشَآءُ جَعَلْنَـٰهُ أُجَاجًۭا فَلَوْلَا تَشْكُرُونَ ﴿٧٠﴾

Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tubig na iyon na maging matindi ang kaalatan, na hindi pakikinabangan sa pag-inom ni sa pagpapatubig, ay talaga sanang ginawa Namin iyon na maging matindi ang kaalatan. Kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat kay Allāh sa pagpapababa Niya nito bilang [tubig] tabang bilang awa sa inyo?

أَفَرَءَيْتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِى تُورُونَ ﴿٧١﴾

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaririkit ninyo para sa mga kapakinabangan ninyo?

ءَأَنتُمْ أَنشَأْتُمْ شَجَرَتَهَآ أَمْ نَحْنُ ٱلْمُنشِـُٔونَ ﴿٧٢﴾

Kayo ba ay ang nagpapaluwal ng punong-kahoy na nagpapaningas mula rito, o Kami ay ang nagpaluwal nito bilang kabaitan sa inyo? نحن جعلنها تذكرة ومتعا للمقوين

نَحْنُ جَعَلْنَـٰهَا تَذْكِرَةًۭ وَمَتَـٰعًۭا لِّلْمُقْوِينَ ﴿٧٣﴾

Kami ay gumawa ng apoy na ito bilang pagpapaalaala para sa inyo na magpapaalaala sa inyo ng Apoy ng Kabilang- buhay, at gumawa nito bilang pakinabang para sa mga tagapaglakbay kabilang sa inyo

فَسَبِّحْ بِٱسْمِ رَبِّكَ ٱلْعَظِيمِ ﴿٧٤﴾

Kaya magpawalang-kapintasan ka, O Sugo, sa Panginoon mo, ang Sukdulan, sa anumang hindi nababagay sa Kanya

۞ فَلَآ أُقْسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ ﴿٧٥﴾

Kaya nanunumpa Ako kay Allāh sa mga lugar ng mga bituin at mga lubugan ng mga ito, بلغ Qur’an · Tafsir وإنه لقسم لو تعلمون عظيم

وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٌۭ لَّوْ تَعْلَمُونَ عَظِيمٌ ﴿٧٦﴾

at tunay na ang panunumpa sa mga lubugang ito – kung sakaling nalalaman ninyo ang kasukdulan nito – ay talagang sukdulan dahil sa taglay nito na mga tanda at mga aral na hindi na natatakdaan. إنه لقرءان كريم

إِنَّهُۥ لَقُرْءَانٌۭ كَرِيمٌۭ ﴿٧٧﴾

Tunay na ang Qur'ān na binibigkas sa inyo, O mga tao, ay isang Qur’ān na marangal dahil sa taglay nito na mga pakinabang na sukdulan, فى كتب م كنون

فِى كِتَـٰبٍۢ مَّكْنُونٍۢ ﴿٧٨﴾

na nasa isang Aklat na pinangangalagaan sa mga mata ng mga tao, ang Tablerong Pinag-iingatan,

لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلْمُطَهَّرُونَ ﴿٧٩﴾

na walang nakasasaling dito kundi ang mga anghel na dinalisay mula sa mga pagkakasala at mga kapintasan,

تَنزِيلٌۭ مِّن رَّبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ﴿٨٠﴾

na pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan

أَفَبِهَـٰذَا ٱلْحَدِيثِ أَنتُم مُّدْهِنُونَ ﴿٨١﴾

Kaya sa salaysay na ito ba kayo, O mga tagapagtambal, ay mga tagapagpasinungaling na hindi mga tagapaniwala? وتجعلون رزقكم أنكم تكذبون

وَتَجْعَلُونَ رِزْقَكُمْ أَنَّكُمْ تُكَذِّبُونَ ﴿٨٢﴾

Gumagawa kayo sa pagtatambal ninyo kay Allāh sa kabila ng pagtustos sa inyo ng mga biyaya na kayo ay nagpapasinungaling sa Kanya sapagkat nag-uugnay kayo ng ulan sa bituin sapagkat nagsasabi kayo: "Inulan kami dahil sa bituing ganito at bituing ganito."

فَلَوْلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلْحُلْقُومَ ﴿٨٣﴾

Kaya bakit kaya hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag dumating ang kaluluwa sa lalamunan وأ نتم حينئ ذ تنظرون

وَأَنتُمْ حِينَئِذٍۢ تَنظُرُونَ ﴿٨٤﴾

habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin sa naghihingalo sa harapan ninyo. بلغ Qur’an · Tafsir ونحن أقرب إليه منكم ولكن لا تبصرون

وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنكُمْ وَلَـٰكِن لَّا تُبْصِرُونَ ﴿٨٥﴾

Kami dahil sa kaalaman Namin, kakayahan Namin, at mga anghel Namin ay higit na malapit sa patay ninyo kaysa sa inyo subalit hindi kayo nakasasaksi sa mga anghel na ito

فَلَوْلَآ إِن كُنتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ ﴿٨٦﴾

Kaya bakit ba hindi – kung kayo, gaya ng inaakala ninyo, ay hindi mga bubuhayin para makaganti sa inyo sa mga gawa ninyo –

تَرْجِعُونَهَآ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ ﴿٨٧﴾

nagpapabalik kayo sa kaluluwang ito na lumalabas sa patay ninyo kung kayo ay mga tapat? Hindi kayo makakakaya niyon!

فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلْمُقَرَّبِينَ ﴿٨٨﴾

Kaya tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga nangunguna sa mga kabutihan, فروح وريحان وجنت نعيم

فَرَوْحٌۭ وَرَيْحَانٌۭ وَجَنَّتُ نَعِيمٍۢ ﴿٨٩﴾

ukol sa kanya ay pahinga: walang pagod matapos nito, panustos na kaaya-aya, awa, at hardin na magiginhawahan siya roon sa pamamagitan ng ninanasa ng sarili niya

وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٩٠﴾

فَسَلَـٰمٌۭ لَّكَ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْيَمِينِ ﴿٩١﴾

Tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan, huwag kang mag-alala sa pumapatungkol sa kanila sapagkat ukol sa kanila ang kaligtasan at ang katiwasayan

وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلْمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ ﴿٩٢﴾

Tungkol naman sa kung ang patay ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid, فنزل من حميم

فَنُزُلٌۭ مِّنْ حَمِيمٍۢ ﴿٩٣﴾

ang pagtanggap sa kanya na ipinansasalubong sa kanya ay isang tubig na mainit na matindi ang init وتص لية ج حيم

وَتَصْلِيَةُ جَحِيمٍ ﴿٩٤﴾

ukol sa kanya ang pagsunog sa pamamagitan ng apoy ng Impiyerno. بلغ Qur’an · Tafsir

إِنَّ هَـٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلْيَقِينِ ﴿٩٥﴾

Tunay na ang isinalaysay Naming ito sa iyo, O Sugo, ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan na walang pag- aalinlangan

فَسَبِّحْ بِٱسْمِ رَبِّكَ ٱلْعَظِيمِ ﴿٩٦﴾

Kaya magpawalang-kapintasan ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan, at magbanal ka sa Kanya palayo sa mga kakulangan. Sanggunian: Al-Mukhtasar fi Tafsir Al-Qur’an Al-Karim

Matuto · Al-Waaqia — الواقعة

Sundan · ulitin · bigkasin · Walang rehistro

Tafsir · 31 wika